WARNING: MAHABA ANG USAPANG ITO!!!
From: The Confused Staff
To: zxander316@gmail.com
Date: Saturday, August 25, 2012
Subject: Hello po! Pa advise naman...
Hi Kuya,
Napadpad ulit ako sa blog mo. Naging busy po kasi ako sa work ko eh. Nakakatuwa pa din basahin mga post mo sa blog. Kakaaliw lalo na yung post mo na Anak Ka ng Lovelife. Natamaan po ako dun Kuya. Hinidi ko alam kung san ba ako lulugar kapag love na ang pinag-uusapan.
Pwede naman siguro mag share sayo Kuya Xander diba? Magaling ka naman kasi magbigay ng payo kapag love na eh.
Kuya, ganito po kasi yan. May lovelife po kasi ako ngayon. Two years na po kami at medyo madami na din po kaming napagdaanan na pagsubok. Kaso parang nakakasawa na po eh. Lagi na lang kaming nag-aaway. Lahat ng bagay na lang po kasi pinagseselosan niya. Kahit yung hindi ko pag hello or pag good morning sa kanya sa text eh nagagalit na agad. Eh siya hindi naman siya ganun sa akin. Palagi na lang po kasi ako ang nagiintindi at nagbibigay sa kanya ng panahon. Kapag kailangan ko naman eh wala naman siya. Feeling taken for granted lang ako palagi. Gusto ko din naman na ako ang alagaan at mahalin. Kaya ayun medyo not in good terms po kami ngayon. Mga one month na kaming walang matinong usapan ng boyfriend ko.
Pero kuya ang problema ko kasi ngayon ay yung Boss ko. Mag 1 year na din po ako sa pinapasukan ko. At nung una pa itong Boss ko palagi po kasi akong kinukulit at jinojoke. Mabait po siya at palabiro lang talaga at approachable. Minsan gusto ko na nga magsumbong doon sa isang boss namin kasi parang nahaharass na ako sa kanyang pagbibiro. Pero ganun lang talaga siya. Minsan po kasi nung kumain ako sa pantry nakita niya ako at kinausap niya ako. Napansin daw niya na nagiisa ako palagi at nakikita niya na natutulala. Siguro madami lang talaga ako iniisip nun. Kaya biniro niya ako na kaya daw ako ganun dahil baka hiniwalayan daw ako ng bf ko. Simula po nun kinakausap na niya ako. Hindi naman siya ganun dati. Pero lately parang nagiba po siya sa akin. Parang feeling espesyal po yung pag bibigay niya ng atensyon sa akin.
Kahapon nga po nilibre niya akong kape sa Starbucks para daw pampasiging ng umaga. Tapos may note po sa baba na "Always smile and be happy." Ano kaya ibig sabihin nun? Single naman po siya Kuya at matinong tao naman siya. Thirty years old pa lang po siya at mabait naman. Sa tingin niyo po ba may gusto siya sa akin? At Kuya, niyayaya niya ako manuod ng sine next week. Kaya natatakot po ako. Hindi ko pa kasi sinabi sa boyfriend ko. At di ko alam kong kailangan ko ba sabihin. Mahal ko ang boyfriend ko. Kaso parang nahuhulog na ako sa boss ko. Mukhang seryoso naman si Boss sa akin. Ano po ba dapat kung gawin?Sana po kuya magreply ka para maliwanagan naman ang isip ko. Salamat ng marami at more power sayo.
Your avid reader,
The Confused Staff
=======================
Hello there The Confused Staff!
First of all, my apologies for the late reply. Malamang sa mga oras o araw na ito ay tapos na ang date niyo ng Boss mo. Wag naman sana!
Hindi ako magaling magbigay ng payo about sa lovelife dahil mismo sarili kong lovelife kailangan din ng payo minsan. Wala lang talaga akong magawa kaya minsan nangengealam ako sa lovelife ng may lovelife.
Isa-isahin natin ang mga nakwento mo para makabuo tayo ng solusyon o di naman kaya outcome sa pangyayaring ito.
Una: Si Boyfriend Mo. Maitanong ko lang Ms. Confused Staff, kung napagusapan niyo na ba ng boyfriend mo ang bagay na palagi ninyong pinag-aawayan? Minsan kasi baka kulang kayo sa communication kaya di kayo nagkakaintindihan at nagkakaunawaan kaya lagi kayong nag-aaway. Which I think shows na kulang nga kayo sa communication. Imagine, one month na kayong malabo ang usapan. Ano tawag mo dun? Deadmahan lang kayo? Hanggang sa kung sino ang magsabi ng 'I give up, lets break up".
Dapat siguro ayusin mo muna yung kung ano man ang meron sa inyo ng boyfriend mo bago ka makipag relasyon at makipag date sa iba. Pero kung nagawa mo na yan sa boss mo eh baka masasabi ko na ikaw ang PLAYGIRL dun sa previous post ko na
Anak Ka Ng Lovelife, Oo! Lahat ng problema ay may solusyon kaya dapat pag usapan to. Kung mahal mo pa ang boyfriend mo bakit ka pa nagpapacute sa boss mo at may pa starbucks-starbucks ka pa dyan. As if naman gusto ka nun. Baka kaya ka binigyan ng kape kasi antokin ka sa work. Haha. Dyuk lang! Pinapatawa lang kita. Wag seryoso, baka ma stroke.
Since napagusapan na din natin ang Boss mo. Siya na isunod natin.
Si Boss. Unang-una, isipin mo Boss mo siya. kahit saang kumpanya ka magpunta bawal ang office romance, lalong-lao na sa Boss mo pa. Alam mo bang nung una pa lang na hindi ka kumportable sa pagbibiro ng boss mo ehh considered harassment na yon. Nagtataka ako kung bakit hindi ka nagreklamo. Dahil ba gusto mo din pinapansin ka ni Boss? Hindi kita hinuhusgahan, nagtatanong lang.
Naisipin ko din na nung pinansin ka ng boss mo sa pantry na nakatulala, baka kaya ka niya kinausap dahil syempre boss mo siya, concern siya sa mga tauhan niya. Wag mong i-misinterpret ang pagtatanong at mga ginagawa ng boss mo baka kasi pagsisihan mo yan. Baka dahil sa nangyari sa inyo ng boyfriend mo kaya ka nagkakaganyan. Kung baga pa, naghahanap ka nang isang taong magbibigay sayo ng atensyon at dahil si Boss mo ang andyan at sa tingin mo nakakapagbigay sayo ng atensyon kaya gusto mo na din mahulog sa kanya. Sabi ko nga, wag mong imisinterpret ang ginagawa niya. Pero kung tatanungin mo ako kung may gusto siya sayo.. ehh malay ko.. pahingi munang kape.. STARBUCKS! hehehe
Kung may gusto nga naman siya sayo at mahal mo din siya. Nasa sa inyo na yun, matanda na kayo pareho. Kaso panget nga lang sa paningin ng ibang tao sa opisina niyo. Pero, gayun pa man pakialam ng ibang tao. Diba?
Higit sa lahat Ms Confused Staff. Wag ka nang ma confused, madali lang yang problema mo. Kausapin mo muna boyfriend mo and then pag wala na mag move on ka. At kung ano man ang mangyari sa inyo ng boss mo. Goodluck!
Hope to hear from you again and sana nakatulong ako. Sulat ka ulit ha. Balitaan mo ako kung huli na ba reply ko o umabot pa before sa date niyo. #excitedlang
Love,
Xander