Kung ang bigat ng mundo ay 5.972E24 kg at idagdag mo pa ang bigat ng mga tao na nakatira dito, mga nasa 316 million tons ang bigat ng lahat ng adults sa mundo o 633 billion pounds.
Yung 16.5 millions tons ay mga overweight, ayun sa World Health Organization.
Ngayon, idagdag mo pa ang bigat ng yung loob dahil sa problema na sa tingin mo ay nagpapahirap sayo at dahil sa bigat ng loob mo ay dinamay mo pa ang ibang tao...
Kaya mo pa kayang pasanin ang mundo?
Well, unang-una... GINUSTO MO YAN!
Bawat isa sa atin ay may kinakaharap na problema. Ikaw, ako, kahit sinong nilalang ay may inisip at hinaharap na suliranin. Kahit pa yung asong nasa kalye ay namomroblema sa kung ano ang kakainin niya. Kaya nga siguro may asong baliw o ulol dahil sa nawalan na sila ng ulirat sa dami ng problema nila.
NGUNIT, nasa sayo din yan kung hahayaan mo lang na pasanin mo ang daigdig na puno ng problema. Hindi ito nauubos... Pero ang pasensya at lakas ng tao kunting kunti lang...
Minsan naisip ko, simple lang naman talaga ang problema ng tao. Tayo lang talaga ang nagpapahirap sa sitwasyon. BAKIT? Kasi nagiinarte at paawa effect ka! Yung gusto natin tayo ang palaging kawawa. May mga ganung moment tayo sa buhay. Yung feeling inaapi tayo, pero ang totoo talaga niyan, paawa effect ka lang!
Lahat tayo kapag naharap sa isang problema o sitwasyon na medyo may kahirapan, gusto natin na may mga taong handang dumamay para sa atin.
Sino ba naman ang ayaw ng may karamay diba?
Ngunit, ikaw na may problema naisip mo din ba na ang mga taong nilalapitan mo at ginagambala mo ay pay sariling ding problemang hinaharap? Marahil alam mo yan... pero since natural na makasarili ang tao, eh wapakels ka. Basta ang sayo lang eh maramdaman mo na may karamay ka.
Sa pagkakaibigan, kailangan ba na ang isa ang laging masusunod? Kailangan ba na ikaw ang laging pakikinggan? Kailangan ba na ikaw ang lagin umiintindi? Hindi mo ba pwede pakinggan o intindihin ang nararamdaman ng iba kaibigan mo o kapamilya o kapuso o kapatid?
Bakit ko ba sinasabi ang mga bagay na ganito?
May pinapasan ba akong daigdig?
Oo. Meron. Marami.
Pero hindi ko hinahayaan na makagambala ako ng ibang tao para lang masolusyonan ko ang sarili kung problema. Sapat na sa akin ang maramdaman ko na andyan lang sila kapag kailangan ko na ng tenga at balikat kapag hindi ko na kaya. Ako ang klase ng tao na hinahanapan muna ng solusyon ang bawat problema na kinakaharap ko hindi yung gumagawa ako ng kahit anong klase ng kwento para lang damayan ako ng ibang tao.
Ako ito. Magkaiba tayo.
Minsan, kung yung taong nilalapitan mo para hingin ang balikat nito para iyakan mo... ang sagot minsan ay WALA.. o di naman kaya ay HINDI PWEDE. Ngunit hindi ibig sabihin ay baliwala ka. Hindi ibig sabihin ay wala silang pakialam. Hindi porket hindi ka nakikita ay hindi nila ramdam ang paghihirap mo.
MINSAN KAILANGAN MO LANG DIN NG MAKIRAMDA NA MINSAN SILA DIN AY DUMARAAN SA MATINDING PROBLEMA. Be Sensitive lang.
Baka hindi mo ito ramdam dahil wala ka talagang pakialam.
Mas magiging masaya ang mundo kung kahit problema ay tinatawanan mo. Mas magiging mapayapa ang mundo kung may pakiramdam tayo sa bawat isa. Kung hindi ka makasarili para lang sa iyong sariling kaligayahan.
Minsan ganun ako. Inaamin ko. Lahat naman tayo ay may pagkakataong maging ganun. Pwede pa magbago. Hindi pa huli ang lahat.
Mas masaya kung naiintindihan mo ang kapwa mo tao. Mas maging masaya kung sa bawat problema at pagsubok mo ay hindi mo ito pinapalaki para lang malaman mo kung may mga tao pa bang handang dumamay para sayo.
Hindi nasusukat ang isang relasyon; pagkakaibigan o pagaasawa; sa oras na magkasama kayo dahil minsan may mga magkakaibigan o mag-asawa na araw-araw nagkikita at nagkakakasama ngunit malayo naman sa isat-isa.
Kung may kaibigan ka, hindi mo ito palaging nilalagay sa isang pagsubok para lang malaman mo kung tapat at totoo ba sila sayo. Dahil, unang una kung naging magkaibigan kayo dapat alam mo kung sino ang tunay at tapat sayo. Kahit hindi mo sila nakikita, nararamdaman mo ang katapatan at tiwala sa kanila.
Ngayon kung nagdududa ka, baka ikaw ang may problema at hindi sila.
Ngayon sa tingin mo, pasan mo ba ang mundo?
Ano ang magagawa mo para maiwasan ito?
Nasa sayo yan. Alam mo kung ano ang dapat mong gawin.